Tagalog

Mangyaring iboto si Xavier Becerra sa pagka-Gobernador! Ang kanyang malawak na karanasan ay kinabibilangan ng:

  • Ka-Tagapangulo, Inisyatiba ng White House sa mga Asyano Amerikano, mga Katutubong Hawayano at mga Taga-Isla Pasipiko

  • Kalihim ng Mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao ng U.S. 

  • Pangkalahatang Abogado ng California

  • Miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng U.S. 

  • Miyembro ng Asemblyea ng Estado ng California

Si Xavier Becerra ay anak ng mga imigranteng Meksikano Amerikano na dumating sa Amerika na may $12 sa kanilang mga bulsa. Lumaki siya sa tahanan na itinayo ng kanyang ama, isang miyembro ng Unyon. Sumunod sa kanilang masipag na pagtatrabaho at pagbibigay pabalik, si Xavier ang una sa kanyang pamilya na nakarating sa kolehiyo. 

Si Becerra at ang kanyang asawa, si Dr. Carolina Reyes, ay nagpalaki ng kanilang tatlong babae sa Sacramento Valley. Tulad ng kanilang mga magulang, itinuro nila sa kanilang mga anak na ang masipag na pagtatrabaho at dedikasyon sa komunidad ay ang pinakamahusay na mga paraan upang lumikha at magpabuti ng oportunidad.

Gumugol si Becerra ng 35 taon sa paglilingkod sa California– mula sa Asembleya ng Estado hanggang sa Kongreso ng U.S., bilang Pangkalahatang Abogado, at Kelihm ng mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao ng Estados Unidos. Sa kanyang buong karera, siya ay nagtuon ng pansin sa isang bagay: Paggawa ng tama at pagbuo ng tumatagal na pagbabago para sa mamamayan ng California.

Bilang isang miyembro ng Kongreso, nakita ni Becerra na ang maraming pamilya ay walang kakayahang kumuha ng may kalidad, abot-kayang pangangalagang pangkalusugan, kaya masipag siyang nagtrabaho upang makatulong na ipasa ang Affordable Care Act (ACA), pinalawig ang pagsaklaw sa milyon-milyong mamamayan ng California.

Bilang Pangkalahatang Abogado, nanguna si Becerra sa paglaban sa labag sa batas na mga aksyon ng Administrasyon ni Trump dahil binantaan ng mga ito ang ating mga karapatan at kalayaan. Inihabla ni Becerra si Trump nang 122 beses at nanalo, hindi umiwas sa mabibigat na laban at paulit-ulit na naghahatid ng mga serbisyo para sa mga mamamayan ng California.

At bilng Kalihim ng mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao ng Estados Unidos, ibinaba ni Becerra ang mga gastos ng mga mamamayan ng California sa kauna=unang pagkakataon sa kasaysayan ng Amerika.

Ngayon, siya ay tumatakbo sa pagka-Gobernador upang ipagtanggol at isulong ang Amerikanong Pangarap: kung saan ang bawat pamilya ay maaaring umasenso sa isang ligtas at tumatanggap na komunidad, makakuha ng pangangalagang pangkalusugan at mga basikong pangangailangan, at magretiro nang may dignidad.